hi guys! musta na? too long, i guess, but hey, we're here :-)
first ups, i want you guys to meet Lorvi...
i miss you guys a lot. ive been in the dark for so long, and i know ive neglected all of you because of some of my stints which i thought would make a difference in the world (which kinda did...but at what cost?) and i know that apologies are so outdated in my vocabulary...but i do miss all of you and there's nothing i'd like more than to see all of you again.
ill do the rest of my shoutouts another time, but first things first... xet, i have your bag...hahaha... i know i let you down lotsa times (remembering car's bag story about gilbert...). i tried to see you a couple times pero it seems hindi kita mahahagilap pag nagrrounds ka sa hospital. saw lucky once sa campus, although smile lang. saw mau once too pero hindi ata nya ako napansin. it kinda sucks that i see them and i cant see you, but ill make it a point to drop by the hospital some time...i miss you... and yung "serious conversations and not-so-serious flicks" natin. hope i catch a glimpse of you sometime soon...
car! palagi nalang ako pinagttripan ng dad mo sa law office. dont tell him, may tinakas ako na 1 unit subject kasi alam nyang limited ako sa 15units this sem. hahahaha. miss ko na kakulitan ninyo ni beng. thanks sa mga sms, for the latter part of this year ive been thinking kung sino talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa mga kaibigan ko, and i found myself thinking of all of you... CLAADS at ang mga lalaki natin (?) - wala akong ibang maisip na term. hahaha. oo nga pala, gwapo na ulit si serge, so kung gusto mo magreconsider...hahaha, kidding. busy sya sa student org... hope to see you this christmas party sa law... (ps. hindi ko pa naibabalik yung bag si xet...)
beng, naibigay ko na kay anne yung cd ni bong. nasa gibraltar ako last sunday, dun kina atty cabrera, kapitbahay nina diana mallari. naalala ko yung times na magkakasama tayo nina tomas nung hinahatid ka namin. tsaka yung kaisa-isang beses na nalasing ako na kasama ko kayo. hahaha. salamat din sa mga sms. minsan nababasa ko nalang sa gabi mga msgs mo. minsan nga hindi na...pero beng, di mo lang alam kung gaano ako ka-thankful na naaalala nyo parin ako kahit nasa ibang planeta ako...thank you!
shee! anya ngay pards?! lam mo, masakit parin loob ko na hindi man lang tayo nagkita-kita bago ka umalis. considering na tayo palagi magkasama noon, tapos nung time pa na aalis ka na, hindi ako nagpakita. miss ko na yung "bust-a-moves" mo, lalo na mga kakornihan at kalokohan mo. hahaha. nag-expire na't lahat ang lisensya ko hindi man lang tayo nakalabas ng barkada na ako nagddrive. hahaha. pero ok lang, i expect na ikaw na ang driver pag-uwi mo dito...or pagpunta namin dyan :-)
dines! musta ka na? alam mo, tuwing magkakasama kami ng barkada, palagi ka namin napag-uusapan. sana kung sakaling makauwi ka dito, magkitakita tayo (although i probably wont be available, but who knows? may puting uwak din sa zoo. hahaha) 4th year high school lang ako napasama sa barkada, but thanks for taking me in. alam ko naman na in-adopt nyo lang kami ni james at andoy galing sa kabilang barkada. hahaha. miss you dines!
annali, musta ka na? mag-miss call ka sakin noon...hehehe...oo, number ko yun :-) naalala ko nung naglalaro pa tayo nung mga bata pa tayo. hahaha. lalo na yung times na pinapatakbo ako ni car sa bahay nyo kung may message sya. (ehem... car?) hindi ko rin talaga inexpect na magiging magkabarkada tayo, considering hindi talaga tayo nagpapansinan nung pre-pubescent periods natin. but hey, things work out for good, and this IS good...miss you, hope to see you soon!
fert! (wag ka na mag-comment sa order ng shoutouts ko at ikaw ang sumunod na naisip ko!) lam mo pre nakakainis na kung magkikita tayo e sa sm lang, sa escalator pa! hahaha. noon ikaw palagi nawawala, pero ngayon, ako ang wala. naisip ko nga noon, dapat may at least isang lalaki na kasama sa barkada. noon ako yun, ngayon ikaw na. hehehe, joke. salamat sa pag-aalala, tsaka sa mga kadramahan natin (kahit lalaki may karapatan mag-drama). busy ka din, alam ko. lahat naman tayo. ako nga lang nagkabuhul-buhol listahan ko ng gagawin kaya napabayaan ko kayo...di bale, hindi na mauulit...
biboy, musta na? thanks for making time na ma-meet nyo ako nina car and beng nung bar ops. ibang-iba ang feeling na magkakasama tayo sa ibang city, yung tipong naiwan ang pressures sa baguio (well...ako siguro. hahaha). so far ikaw palang ang nag-dethrone sa akin bilang pinakaseryoso sa grupo. nyehehehe. pero ok lang, alam ko naman na baliw ka talaga sa totoo. bro salamat sa support... hinding hindi ko makakalimutan yun!
libog! hehe, joke. rowell, wag ka maging hiphop ha, ako unang babatok sa'yo. alam mo tol, tuwing magkasama tayo, puro asar nakukuha ko. pero alam ko, ganun ka talaga magmahal. hahaha. kawawa naman magiging anak mo. oo nga pala, meron na ba? hahaha. biro lang. ikaw, pasimple lang. pero alam ko, matagal din tayo nawala. huli kita nakita sa kasal ni james, sana makita kita ulit. tandaan mo, wag ka magpa-hiphop. batok. hahaha.
ja-mes! pambihira ka naman, uuwi ka dito, bumabagyo?! hahaha. kumusta ang futuristic tatay? tama ka bro, mula first year hanggang fourth year magkasama tayo. mula playstation hanggang magic magkasama parin tayo. mula babae hanggang jamming magkasama parin tayo. siguro balang araw magiging mag-bespren mga anak natin? hahaha. thanks sa support bro, hindi nyo ako iniwan, lalo na nung pauwi after class. hahaha. hi mo ko kay joanne!
andoy, IKAW ang hindi mahagilap ngayon. hehehe. kasi hindi ako naghahagilap kaya di kita mahagilap! ano na work mo ngayon? nag-call center ka pala?! nakita ko lang pic mo na may headset kaya naisip ko yun. bro salamat sa suntok na in-absorb nyo ni james nung first year tayo. at ang nag-iisang korean martial artist natin na kaibigan e hindi ko na napansin. hahaha. joke. hindi na rin ako active sa MBFFBC. sana magkita tayo sa tabi-tabi...kayo ni james ang palagi ko kasama nung high school, salamat sa memories, at least alam ko may mga kaibigan parin ako na hindi ako tatalikuran kahit ano mangyari...thanks!
siya si Lorvi. you have to meet her to really appreciate how wonderful she is. (car, beng, xet, i guess this means wala na ako sa draw lots. hahaha. ako nalang mediator.. :-)
guys, hindi pa ako mamamatay. i appreciate yung pag-aalala nyo sa kin, lalo na pag pinapagalitan nyo ako sa mga katangahan ko. hahaha. i love you guys, and i hope this year-ender hindi lang letter ang ibibigay ko... i really plan to see you guys this time, and maybe, sa wakas, matitikman na ni xet ang luto ko. hahaha. thanks for always remembering me, it's one of the best encouragements ive had...
and yeah, may utang ako na wine. hahaha. later guys...
2 comments:
so I guess this is the end of Bagahe. Happy ending naman eh. :)
Post a Comment