Tuesday, November 09, 2004

hindi ko na sya mahal!

"HINDI KO NA SYA MAHAL (HINDI KO SYA MAHAL)"Naranasan mo na bang masabihan nyan? Kung OO ang sagot mo, pwes! alam mo ba na out of 10 people na nagsabi nyan 5 ang nagsasabi ng totoo?? yes! meaning 5 ang sinungaling! Kc, minsan maraming dahilan kung bakit nasasabi yan... iSiPin MO ito.. Nasasabi ang linyang yan sa mga sitwasyon gaya ng:

NAGUGULUHAN = ito ung mga taong nasa isang relasyon pgktapos eh may iba pang mahal na iba.. kailangan nilang mapaniwala ang sarili na hindi na hindi na nila mahal ung isa para, mahalin naman ung isa pa. (HALIMBAWA: im sori may iba na kong mahal, HINDI NA KITA MAHAL) pero echos! ang totoo di ka naman syur kung sino pa talga sa kanila ang matimbang... gets mo? (kung hindi kawawa ka naman..=)

MASAMA ANG LOOB = eto naman ung mga taong katatapos lng hiwalayan o nagawan ng di maganda sa isang relasyon. (HALIMBAWA: bakit nya nagawa sakin toh! HINDI KO NA SYA MAHAL!) pero ay naku dala lng yan ng sama ng loob mo..sige hinga ng malalim..tulog ng mahimbing.. paggising mo bukas naku...sya na naman ang naalala mo..(miz mo noh? =)

BASTED = as in ayaw nya daw sayo.. PARE OKEI KA LNG? (SAGOT: okei lng ako pre, wala na un hindi ko na rin sya mahal) uyyy pa-macho epek.. SISTER OKEI KA LNG? (SAGOT: yuh im okei, as in hindi ko na sya mahal noh?!) ows? go gurl!

LIHIM NA PAG-IBIG= eto naman ung mga taong ayaw ipaalam sa kanilang minamahal ang totoo, para lang mapagtakpan ang nararamdaman nila, lalo na't binubuking na sila.. (HALIMBAWA: Hindi ko sya mahal ah, friend lng ang turing ko sa kanya.) ay naku! yan din sinabi ni jolina kay marvin!

PA-I WILL SURVIVE epek = eto ang mga taong gusto ng kumawala sa hawla ng alala ng taong minamahal..(HALIMBAWA: pagod na ko..from now on, kakalimutan ko na sya, hindi ko na sya mahal! smart na ko ngayon, i will survive!) ...hehe sino ka? si kris aquino??

TAAS NG PRIDE = eto ung mga taong di nila maamin sa sarili nila na mahal nila ang isang person kc nga malayo sa standard nila ung gurl/guy or lets say may ibang dahilan..pero nainlab sila. (HALIMBAWA: yun? hindi ko sya mahal noh. ako pa kilala nyo ko) sabay Naka cross ang mga fingers ng kanilang hands and feet!

TAKOT = eto ung mga taong dahil ilang beses na nasaktan sa larangan ng pag ibig, eh ayaw ng magmahal kahit na mahal naman talga nila ang isang taong nagmamahal sa kanila..(HALIMBAWA: ayaw ko ng masaktan ulit...hindi kita mahal.) ..o tapos? hehe

PAGHIHIGANTI = eto naman ung mga taong binabalikan matapos ng hiwalayan...syempre sobra nga naman sila nasaktan kaya sasabihan nya ng "MASYADO AKONG NASAKTAN SA MGA NANGYARI, HIND NA KITA MAHAL" ...o loko bagay sayo!

maraming dahilan, maraming paraan para sabihin natin ito ..pero sana, sa susunod na sabihin mo sa kanyang hindi mo na sya mahal .. eh ung totoo na.Yung kaya mo na, yung sigurado ka, at un talga ang nararamdaman mo..mahirap na.. Paano kung mawala pa sya?...Paano kung mahal ka pa talaga nya?..Paano na kung mahal ka nya...Paano Kung mahal ka rin nya at mahal mo pa rin sya.At sa ibang taong makakaranas naman neto..pag sinabihan ka ng HINDI NA KITA MAHAL! / HINDI KITA MAHAL! chin up! and say...STYLE MO BULOK! LIARS GO TO HELL!!

4 comments:

yellow prescription said...

so noes...alin ka dito? since alam naman nating isa ka dun sa lima na may probability na nagsinungaling...erm...hindi nagsabi ng totoo... :) (yan, ok na ba? mas maganda nang pakinggan?) peace tayo ha... ;)

airongshi said...

right on don! ayos tong post mo ah, ouch!!! hehehe... tho sa tingin ko ndi naman pwedeng i-skip yung "hindi-ko-na-siya-mahal stage" cguro talagang dadaanan un and eventually ma-rreach din ng tao ung point na pati siya sawang-sawa na sa kaloloko niya sa sarili niya at by that time cguro masasabi n niya with whole honesty na ndi na nga niya mahal ung whoever na yun s life niya... im not arguing with whoever tho... just speaking out! peace! :)

airongshi said...

ooops.. halatang di ako nagbabasa ng mabuti... agree ako dito "mahirap na.. Paano kung mawala pa sya?...Paano kung mahal ka pa talaga nya?..Paano na kung mahal ka nya...Paano Kung mahal ka rin nya at mahal mo pa rin sya..." husto met, ryt? ..... YUN LANG! hehehe...

yellow prescription said...

kilala nyo ba si pablo neruda? i think he's brillant... he wrote a lot of poems and isa to sa mga gusto ko...xempre, he wrote it in spanish since he's from Chile...pero don't worry...i have included translations...

Spanish:
"Veinte poemas de amor y una canciĆ³n desesperada:XX"

Ya no la quiero, es cierto, pero tal vez la quiero.
Es tan corto el amor, y es tan largo el olvido.



English:
"Twenty Love Poems and a Song of Despair:XX"

I no longer love her, that's certain, but maybe I love her.
Love is short, forgetting is so long.


Tagalog:
Track 20 sa koleksyong Veinte poemas de amor
ni Pablo Neruda, bersyon ni Makoy Dakuykoy
--bersyong "walang aray!"

Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.
Maigsi lang ang lablayp ko pero ang makalimot,
sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.


san ka pa? :)