Thursday, November 18, 2004

does this make sense


ala lang... malamang e nabasa niyo na ito before.... sinend naman sa akin to thru text... basahin niyo na lang... =)

DOES THIS MAKE SENSE?


Nakakatawa talaga ang love.
Isa siyang OXYMORON.
lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba?
Pero ang linaw.

Masaya ang magmahal.
Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason.
Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya pa rin.
Masakit magmahal.
Pero okay lang.
Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati
“love is only for stupid people.”
Nakakatuwa kasi laude and standing niya,
Pero dumating and panahon,
na-inlove din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngaun.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love
nagiging oxymoron na rin.
o kaya paminsan nagiging moron lang.

hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, sumasaya.
(At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot)

Nakakatuwa talaga
Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na alaga magmahal.

Napansin ko nga eh, parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-in-love!” biglang WACHA! Ayan na siya.
Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.

Dib a nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galling galling mo?

Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomomroblemang tao?
Naiisip mong wala naming mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan
Ng madugong pana ng pag-ibig.
“ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!”
“ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon.

Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyampre hindi sila yung may kasalanan.
SIYA! “ bakit niya ‘ko sinaktan?” may kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kasasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mop dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak…




1 comment:

airongshi said...

ei tea! nice post... right on dude!